Tinig Niya ay Pakinggan
VERSE 1
Tinig Niya ay pakinggan Na sumisigaw sa ilang, Hinahanap ang naligaw, Tupang waglit sa tahanan.
KORO
Akayin, akayin, Mga tupang naliligaw, Akayin, akayin, Sa kay Jesus na mahal.
VERSE 2
Sino ngayon ang lalakad, Sa naligaw ay hahanap? Kumilos na't h'wag magluwat, Tipunin ang natiwalag.
VERSE 3
Sila ay nag-iiyakan Sa parang at kabundukan. Tinig ni Jesus, pakinggan: "Hanapin sila saanman."