Mga Manggagapas ay Nasaan?
VERSE 1
Mga manggagapas ay nasaan? Ang lingkaw ninyo ngayo'y ikasa Upang piliin sa karamihan Ang mga mabuting inihasik.
KORO
Ang manggagapas ay nasaan? Halina't tumulong sa pagtitipon Tumulong kayo na magbangan Ng bungang ani ng Pangino'n.
VERSE 2
Hinog na ang bukirang malawak At naghihintay ng mag-aani! O! manggagapas, kayo'y gumayak At matutukol na ang marami!
VERSE 3
Hayo nang taglay ang inyong lingkaw Gintong butil ng trigo'y anihin Ang Panginoon natin pagdatal Ang kaupaha'y inyong kakamtin!