Logo

Ibigin ang Kapwa

VERSE 1

Ibigin ang kapwa ay kawang-gawa Buhay ni Jesus ay ibalita; Igawad ang awa't pananalita Na Siya lamang ang magpapala.

KORO

Akayin sa lingap ang nalilinsad Sa Diyos na may habag nang maligtas!

VERSE 2

Sakaling aayaw Ay pagtamanang Pilitin sa mga kagalingan, Hanggang sa maparam ang kadiliman Siya'y kusaing pagtiyagaan.

VERSE 3

Ituro ang bagay sa kaligtasan, Tulong ni Jesus, iyong asahan; Siya'y kaagapay na kalakasang Tatamuhin na walang hanggan.