Logo

Bantay, Hipan ang Trumpeta

VERSE 1

Bantay, hipan ang pakakak. Ng ebanghelyong taglay, Ang sinumang makarinig, Magsisi at mabuhay.

KORO

Bantay, hipan ang pakakak, Sa lahat ay ilakas; Pabalita ay itanyag! Nang lumaya ang bihag.

VERSE 2

Sa burol at kapatagan. Ito'y ipaglakasan, Ulitin ng karagatan. Awit ng kaligtasan.

VERSE 3

Sa daa't liblib na pook. Pabalita'y isigaw; Ito ay papagsaysaying. Ama ay naghihintay.

VERSE 4

Sa nabibigatang lubha. At mga napapagal, "Magsiparito sa Akin," Pa-anyaya N'yang mahal.