Samantalang Maaga
VERSE 1
Samantalang maaga gumawa't darating, Gabing ipapahinga sa 'yong tungkulin; Isaayos mong lahat ang iyong gawain Nang makatapos agad bago dumilim.
VERSE 2
Gawin bawa't gawain habang may liwanag; Oras h'wag aksayahin igawang lahat; Iyong alintanahin ang lahat ng hirap. Dumarating ang dilim kaya't magsikap.
VERSE 3
Araw ay nagtutulin sa kanyang paglubog. Kaya't dagling tapusin at isaayos. Ang minulang gawai'y isingit na lubos Sa ibang adhikain nang makatapos.