Araw ng Kapahingahan
VERSE 1
Araw ng kapahingahan, araw ng kagalakan, Lunas sa kalungkutan, pinakamainam; Mataas at mababa, ay nag-aawitan. Ng, Banal, banal, banal, sa Iyong harapan.
VERSE 2
Ikaw'y isang daungang nasasang-galangan. Sa bagyong dumadalaw sa 'ting mga buhay; Ikaw'y sariwang bukal sa tuyong buhanginan; Sa iyo'y natatanaw ang pangakong bayan.
VERSE 3
Araw ng matamis na pagninilay-nilay, Araw ka ng pag-ibig na nagpapabanal. Mga bagong biyaya'y laging nakakamtan. Sa 'ting araw na it ng kapahingahan.