Logo
Hymn #266Sabbath

H'wag Kalimutan ang Sabado

VERSE 1

H'wag kalilimutan ang Sabado ng Diyos Na sa lahat ng araw tanging namumukod, Sa ating kapaguran may aliw na dulot. At sa kanyang liwayway may ginhawa't lugod.

KORO

Magalak kang tinatanggap, Sabado ng Diyos, Magalak kang tinatanggap, Sabado ng Diyos.

VERSE 2

Tayo ay mangilin, ang Diyos dalanginan. At tuloy nating sundin ang tunay na "daan," Ating alin-sunurin si Jesus b'ong araw, Tayo'y paiinumin sa bukal ng Buhay.

VERSE 3

Ang araw na ito'y atin nang gamitin. Sa pag-awit kay Kristo at pananalangin; Jesus, ang pangako Mong kami'y kupkupkupin. S'yang sa buhay na ito'y tanging mahal namin.