Logo
Hymn #274Eternal Life

Halina, Umiibig

VERSE 1

Halina, umiibig Galak sa Panginoon! Sa awita'y makianib, Sa awita'y makianib, Sa trono'y magtipon, Sa trono'y magtipon!

KORO

Hayo na sa Siyon, Hayo na nga sa Siyon, Sa napakagandang Siyon; Doon tayo patungo ngayon. Sa bayan ng Panginoon!

VERSE 2

Bayaang h'wag umawit Ang nagsitanggi sa Diyos! Kawal ng Hari sa langit, Kawal ng Hari sa langit. Magpupuring lubos, Magpupuring lubos!

VERSE 3

Sa Siyon nga kakamtan Tamis ng kabanalan; Awita'y mapapakinggan, Awita'y mapapakinggan, Sa banal na bayan, Sa banal na bayan!

VERSE 4

Ang luha'y mapaparam Sa tamis ng awitan! Sa lupang inilalaan, Sa lupang inilalaan, Ating tatahanan, Ating tatahanan.