Logo
Hymn #276Eternal Life

Sa Bagong Jerusalem

VERSE 1

Sa bagong Jerusalem Ay walang panimdim, Liwanag ay maningning, Doo'y walang dilim.

KORO

Luha mo'y papahirin, Wala ka nang hilahil, Diyos ang iyong kapiling. Kasalo sa aliw.

VERSE 2

Ang pinto'y pawang perlas. Sa banal na s'yudad, Ang daa'y gintong lahat. Kaya't maliwanag.

VERSE 3

Doo'y wala nang araw. Na makasisilaw, Kordero'y Siyang ilaw, Liwanag ay sakdal.

VERSE 4

Ang pinto'y laging bukas, Sa banal na s'yudad, Tubig na sakdal sarap, Doo'y malalasap.