Logo

Ikaw Nawa'y Pakaakbayan

VERSE 1

Ikaw nawa'y pakaakbayan Ng Diyos magpakailanman, Hanggang sa Siya'y dumatal, Makapisan ng Kanyang bayan.

KORO

Hanggang magkikita Sa paanan ni Jesus, Hanggang magkikita Ay samahan ka nawa ng Diyos!

VERSE 2

Ikaw nawa'y pakaingatan Ng Diyos at bigyan din naman Ng mana sa araw-araw, Hanggang tayo'y muling magpisan.

VERSE 3

Ikaw nawa'y pakatulungan Ng Diyos sa pakikilaban Sa nagkalat na kaaway Hanggang ikaw ay magtagumpay.

VERSE 4

Ang pag-ibig nawa at sigla Ay maingatan mo t'wina. Upang papurihan Siya Hanggang tayo'y muling magkita.