Logo
Hymn #282Eternal Life

Tayo ay Magtitipon

VERSE 1

Tayo ay magtitipon Sa ilog na malinaw, Do'y ating masasalubong, Mga anghel na banal.

KORO

Tayo ay magtitipon, Sa maganda, sa magandang ilog; Tayo na't doo'y magtitipon Sa pagpupuri sa Diyos.

VERSE 2

Doon sa tabi ng ilog Na maganda ang ayos, Magtitipon tayong lubos Upang sumamba sa Diyos.

VERSE 3

Ang sinumang magkapalad Do'y makapagmamalas Sa ating Tagapagligtas Nasa atin ay nahabag.

VERSE 4

Yao'y madaling daratnin Sa pagka't laan sa 'tin Doo'y wala nang hilahil Lahat ay ka'liw-aliw.