Logo
Hymn #284Eternal Life

Kung Tapos na ang mga Pagsubok

VERSE 1

Kung tapos na ang mga pagsubok At ako sa langit ay ligtas na, At ako ay mapiling na sa Diyos, Kal'walhatian kong walang-hangga!

KORO

L'walhati ko'y walang-hangga L'walhati ko kung makita Ang mukha Niyang kaaya-aya Kal'walhatian kong walang-hangga!

VERSE 2

Kung sa biyaya na walang-hanggan At langit sa aki'y pakamtan na, At ang mukha Niya ay mamasdan, Kal'walhatian kong walang-hangga!

VERSE 3

Makikita ang mga kaibigan At yao'y malaki nang ligaya, Ngunit pag si Jesus ang mamasdan, Kal'walhatian kong walang-hangga!