Logo

Ako’y May Kaibigang sa Akin ay Mahal

VERSE 1

Ako'y may Kaibigang sa akin ay mahal, Ako'y iniibig Niya nang wagas at banal; Nais ko'y kapiling Siya at laging kaakbay, Kaya nga magsasama, habang buhay.

VERSE 2

Batid Niyang mahina ang sariling ito, Sa aking panlulupaypay Siya ang saklolo; Sa landas ng liwanag ay inaakay ako, Kaya kami'y lalakad ni Jesus ko.

VERSE 3

Ipinagtatapat ko sa Kanya ang lahat Ng kasiyahan ko't hirap, kalungkuta't galak; Kanya na mang sinasabing Ako ay magsikap, Kaya kami ni Jesus, Nag-uusap.

VERSE 4

Alam N'ya ang hangad ko na makahikayat, Kaya't ako'y inatasang Salita'y itanyag; Pati ang Kanyang pag-ibig ay aking ihayag, Kaya't kami'y gagawang mapanatag.