Galak Akong Magsaysay
VERSE 1
Galak akong magsaysay ng lihim na bagay Ni Jesus na nagbigay ng buhay sa tanan; Ito'y kakamtang tunay ng sino't alinman Na manampalatayang Siya'y kaligtasan.
KORO
Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.
VERSE 2
Lihim ng kalangitan sa puso'y ilulan At sampalayanang lilikha ng buhay; At may kababalaghang sala'y huhugasan Kahit gaanong sama'y lilinising tunay.
VERSE 3
Ang sugong ito'y tanggap huwag nang magluwat; Samantalang may oras agad kang umagap; Ako nga'y nagagalak ihayag sa lahat Na nangagsisihanap ng ikaliligtas.
VERSE 4
Aking kinagigiliwang ihayag sa tanan Ang magandang balitang kinauuhawan Na marinig tuwina ng makasalanan At nang ang kaluluwa'y magkamit ng buhay.