Logo
Hymn #292Joy and Peace

Sa Kaibuturan Ng Puso Ko't Isip

VERSE 1

Sa kaibuturan ng diwa ko't isip, Nararamdaman ko ang awit Ng isang tinig na nagmumula sa langit Na kapayapaang matamis.

KORO

Oh! kapayapaang, Buhat sa Diyos sa kalangitan! Ang dalangin ko'y lumagi kaylanman Sa puso ko ay tumahan.

VERSE 2

Kaylaking kayamanan ang kinakamtan Sa himalang kapayapaan, Sa loob ng puso ko iniingatan Upang h'wag mawala kaylanman.

VERSE 3

Ang kapayapaan ni Jesus na kasi Ay Siyang lagi kong sakbibi Siya ang kalasag ko sa araw, gabi, Na ginagamit kong parati.

VERSE 4

Ang kapayapaa'y lalong malulubos Pagdating ko sa bayan ng Diyos; Doo'y ang awitan ng mga tinubos Kapayapaang di masayod.