Logo
Hymn #294Joy and Peace

Ang Aking Ama'y Napakayaman

VERSE 1

Ang aking Ama'y napakayaman Sa mga lupain at mga bahay; Sa mga pilak gintong makinang, Puno ang Kanyang mga kabang-yaman.

KORO

Ako'y anak-Hari, anak ng Hari! Kasama ni Jesus, ako'y anak-Hari!.

VERSE 2

Sariling Anak ng aking Ama, Tagapagligtas ng mga may-sala Nagpakadukha sa gitna nila; Ngayo'y namamanhik naman Siya.

VERSE 3

Minsan ako'y isang itinapon, Isang manlalakbay sa sala'y gumon! Nguni't ako'y kinupkop, inampong. Taga-pagmana ng korona't mansiyon.

VERSE 4

Bakit mag-aalala ako? Ako'y iginagawa ng palasyo! Na layo man ay aawit sa 'Yo: "L'walhati sa Diyos, anak-Hari ako!"