Logo
Hymn #296Joy and Peace

Ang Aking Galak

VERSE 1

Ang aking galak, walang katulad! Sa akin ay may nag-iingat! Ako'y panatag walang bagabag Sa Kanyang bisig na malakas!

KORO

Ako'y ligtas, (Ligtas kay Jesus,) Hindi ako matitinag! At panatag (Oo, panatag,) Sa Kanyang bisig na malakas.

VERSE 2

At sa paglakad sa aking landas Mayron akong taga-pag-ingat, Ako sa hirap ay ililigtas Ng Kanyang bisig na malakas!

VERSE 3

Dumagsa man ang lahat ng hirap Hindi rin ako masisindak, Sa aking palad ang humahawak Ay Kanyang bisig na malakas!