Logo
Hymn #298Joy and Peace

Sa Puso Ko ay May Awit

VERSE 1

Sa puso ko'y ay may awit Totoong matamis, Ang tanging nakaririnig, Si Jesus na ibig.

KORO

Kaylaki ng kagalakan Ang sa puso ko'y tumatahan, Kay Jesus ng pagmamahal Ay akin araw-araw.

VERSE 2

Sa puso ko'y may liwanag Na tangi sa lahat, Ang sa akin ay naggawad, Si Jesus naliyag.

VERSE 3

Ang puso ko'y matiwasay Tahimik na tunay, Pagka't ang kapayapaan Hindi nagkukulang.

VERSE 4

Sa puso ko ay may galak Hindi kumukupas, Ako sa lahat ng oras Kanyang nililingap.