O Diyos na Marangal
VERSE 1
O Diyos na marangal! Kami ay tulungang mag-awitan; Ngala'y papurihan sa kalwalhatian, Kami'y pagharian Amang banal!
VERSE 2
Ikaw na Verbong Diyos! Kami'y pagpalain araw-araw. Dalangi'y pakinggan upang magtagumpay. Likas Mo'y mamalas sa 'ming buhay.
VERSE 3
Espiritung Banal! Kami ay kasihan ng patnubay; Parating akbayan, puso'y pagharian. At h'wag Mo pong iwan sa kaaway!
VERSE 4
O malwalhating Diyos! Dito'y masusunod ang 'Yong utos; Paghaharing lubos ay mapapanood. Sa panahong puspos ng natubos.