Logo
Hymn #300Joy and Peace

Kung sa Buhay Mo'y Mayron Kang Ligalig

VERSE 1

Kung sa buhay mo'y mayron kang ligalig Nasa iyong puso'y pumipiyapis, Pagpapala Niyang labis at labis Bilangin mo't ligaya ang lalapit.

KORO

Bilangin mo ang pagpapalang Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama, Bilangin mo ang pagpapala't Makikita mong mahal ka sa Kanya.

VERSE 2

Mabigat bang lubha ang krus mong dala At sa akala mo'y di mo na kaya? Bilangin mo ang pagpapala Niya At pilit na maliligayahan ka.

VERSE 3

Sa saganang yaman ng ibang tao Higit ang yamang pangako ni Cristo, Ang gantimpala na laan sa iyo Higit sa lahat ng yaman ng mundo.

VERSE 4

Kaya nga't sa gitna ng mga hirap H'wag kang matakot alam ng Diyos lahat, Ito ang lagi mong isasa hagap At ang lungkot mo ay magsisitakas.