Logo
Hymn #302Joy and Peace

Oh Masayang Araw Ngayon

VERSE 1

Oh! masayang araw ngayon, Pagpuri sa Panginoon; Kagalaka'y isalubong Sa lahat ng may linggatong.

KORO

Oh! masayang araw! sala ko ay nahugasan! Ako'y Kanyang tinuruang dumalangin gabi't araw. Sa puso'y magtaglay ng tuwa'y kapayapaan!

VERSE 2

Dakilang gawa'y ganap na, Kanya ako't akin Siya; Sa malugod N'yang anyaya, Magalak na lumapit ka.

VERSE 3

Hapong puso'y magpahinga, Sa sala'y pakikibaka; Sumanib ka sa ligaya, Kay Jesus ay makisama.

VERSE 4

Panambitan na taimtim, Araw-araw S'ya ang daing; Idudulog ang hinaing, Nang pagpapala ay kamtin.

VERSE 5

Kung ang langit ay masapit, At magwakas ang lakbayin, Kasama ng Panginoon Sa tahanang walang maliw.