Logo
Hymn #304Joy and Peace

Sa Puso Ko'y May Isang Himig

VERSE 1

Sa puso ko'y may isang himig Na isang masayang awit Aking dinadalit-dalit, Kapayapaan ng langit.

KORO

Kapayapaan, Na kaloob ng langit Kapayapaang matamis, Kaloob ng pag-ibig.

VERSE 2

Kapayapaa'y nakamit Kay Cristong sa krus nagsakit Kamatayan N'ya'y kapalit Ng handog N'yang pag-ibig.

VERSE 3

Pag naputungan si Jesus Kapayapaan ko'y lubos Pagpapalang ibubuhos, Kapayapaan ng Diyos.

VERSE 4

Kay Jesus ako'y tatahan Kapayapaa'y nang kamtan Wala na ngang Kailangan kundi kapayapaan.