Ako ay Ilapit, Diyos sa Iyo
VERSE 1
Ako ay ilapit, Diyos, sa Iyo! Maging krus man kahit, babathin ko; Kaya't inaawit, ilapit mo ako, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
VERSE 2
Katulad ko'y gala sa kadimlan, Nang humiga'y bato ang inunan; At ang napangarap sa Diyos ko'y ipisan, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
VERSE 3
Sa langit ang hagdan ay namalas, Na dinaanan ng sugong tapat, At aking sinabing sa Diyos ko'y ilagak, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
VERSE 4
Naidlip kong isip nang magising, Ang aking hinagpis di na pansin, Sa ningas ng nais sa Diyos ko'y mapiling; Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
VERSE 5
Araw, b'wan, at bitwi'y malilimot, Kung sa langit dalhin ng t'wa't lugod, At ang aawiti'y sa Diyos ay idulog, Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.