Logo

Pangalang Jesus Ingatan

VERSE 1

Pangalang Jesus ingatan Anak ng kalumbayan, Upang ang tuwa ay kamtan, Taglayin mo saanman.

KORO

Pangalang marangal, Pangalang marangal, Matamis at dalisay! Pag-asa ng tanan, Pag-asa ng tanan, ng tanan, Tuwa ng sangkalangitan!

VERSE 2

Pangalang Jesus ibigin, Kalasag sa patalim; Pag ang tukso'y tumitiim, Bigkasin sa dalangin!

VERSE 3

Pangalang Jesus mahalin, Galak nating purihin; Sa pagtanggap N'ya sa atin, Pagpupuri'y awitin!

VERSE 4

Sa ngalang Jesus lumuhod, At sa Kanya'y pakupkop, Puputungang Haring lubos, Sa langit ng tinubos!