Logo

Ang Oras ng Panalangin

VERSE 1

Ang oras ng panalangin Ay matamis nga sa akin; Tinatawag akong tambing Sa Ama kong maawain! Sa panahong natutukso Sa mga daya ng lilo, Tumawag at pasaklolo Sa kamay ni Jesu-Kristo!

VERSE 2

Sa oras ng panalangin, Ako ay Kanyang diringgin; At kung Siya'y hihintayin, Ako ay pagpapalain. Katiwasayang tahimik Kay Jesus na ipapalit, Salinggatong at hinagpis Sa aki'y gumigiyagis.

VERSE 3

Oh! oras ng panalangin, Ako ay iyong aliwin, Hanggang sa Pisga'y mamasdan Ang inihandang tahanan. Sa pagtawag N'ya sa akin Upang Siya'y salubungin, Akin namang aawitin Ngalan Niyang masintahin.