Jesus na Kaibigan
VERSE 1
Jesus na Kaibigan Ng kaluluwang banday Ako'y huwag bayaang Madaig ng kaaway; Ikanlong ako, Jesus, Ng Iyong pagkukupkop Hanggang sa mangatapos Bagabag at sigalot.
VERSE 2
Walang ibang kanlungan Akong matatahanan Ikaw nga, Ikaw lamang Aking inaasahan; Ang tulong na sagana sa Iyo'y nagmumula Ako ay kinalinga Sa hirap at dalita.
VERSE 3
Ikaw ang kailangan Higit sa anong bagay, Nagbibigay ligaya, Sa mga nalulumbay; May dalang kagalingan Sa sinomang may damdam; Patawad ang alok N'ya, Sa sino mang may sala.
VERSE 4
Sa Iyo nasumpungan Higit sa kailangan Patay ay binubuhay Bulag ay inaakay; Akong makasalanan Gumon sa kamalian Ay Iyong kahabagan Biyaya Mo'y pakamtan.