Logo
Hymn #032Trinity

Banal, Banal, Banal

VERSE 1

Banal! banal! banal! Diyos na maalam, Ikaw ngayo'y aming pinapupurihan. Banal! banal! banal! Makapangyarihan, Diyos na naghaharing walang hanggan!

VERSE 2

Banal, banal, banal! Pangino'ng tunay Ikaw na di namamasdan ng 'Yong bayan. Tanging Ikaw lamang ang may kasakdalan Bukal ng pagpapala at buhay.

VERSE 3

Banal! banal! banal! Tinatawagan Ng libo at libong sumasambang tunay; Ang putong ng anghel na nagkikinangan; Sa Iyong luklukan Iniaalay!

VERSE 4

Banal! banal! banal! tangi Kang sakdal Sa kapangyarihan awa't kalinisan; Ang mata ng tao'y hindi maisilay Sa Iyong l'walhating walang hanggan!