Logo

May Isang Dakong Payapa

VERSE 1

May isang dakong payapa Sa puso ng Diyos, Doo'y di gumagambala Ang salang balakyot.

KORO

O Jesus, Manunubos, Sugong mula sa Diyos, Kami ay itaguyod, Na malapit sa Diyos.

VERSE 2

May isang pook ng aliw Sa puso ng Diyos, Doon si Jesus na giliw, Tinatagpong lubos.

VERSE 3

Mayro'ng pook ng ginhawa, Sa puso ng Diyos, Kapayapaa't ligaya Doo'y pumupuspos.