Laging Dumalangin sa Panginoon
VERSE 1
Laging dumalangin sa Panginoon, Saka pagpalain sa Diyos na kampon, Sa Kanya'y pumiling buong panahon; Aral N'ya'y tanggapin nang makaayon.
VERSE 2
Laging dumalangin lalo't bagabag Puso sa panimdim at di panatag; Kay Jesus tumingin nang makatulad Ng buhay butihing hayag sa lahat.
VERSE 3
Laging dumalangin at papatnubay, Siya'y talimahin, h'wag pangunahan; Maging sa tiisi't kalumbayan man, Asahang taimtim hanggang may buhay.
VERSE 4
Laging dumalangin maging tahimik; Adhika't isipan ay ipalinis; Bayaang akayin ka sa pag-ibig, Handang kawanihin doon sa langit.