Sa Mapalad na Oras ng Pananalangin
VERSE 1
Sa mapalad na oras ng pananalangin, Tayo ay magtitipon sa Kanyang piling; Tayo ay magsilapit kay Jesus na giliw, Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
KORO
Oh, pinagpalang oras ng dalangin, Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.
VERSE 2
Sa mapalad na oras ng pananalangin, Pakikinggan Niya ang ating pagdaing; At sa lahat ng ating dusa ng damdamin, Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
VERSE 3
Sa mapalad na oras ng pananalangin, Sa Kaniyang harapan, lingap ay hingin; Sa Kanya ay ilapit ang ating panimdim, Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!
VERSE 4
Sa mapalad na oras ng pananalangin, Ay sumampalatayang Kanyang diringgin, At ipagkakaloob ang anumang hingin; Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!