Ang Iyong Pangako
VERSE 1
Ang Iyong pangako'y kung mangagpisan Dalawa o tatlo sa 'Yong pangalan Sa kanilang gitna'y naro'n Ka naman, Ito Panginoo'y inaasahan!
KORO
Kami'y pagpalaing nangagtitipon Lagi Mong samahan habang panahon.
VERSE 2
Kami'y nakapulong Mo nang madalas, Ngunit kailangan Ka hanggang wakas, Mga biyaya Mo ay ipamalas Pagpalai't tanggap kaming nanawag.
VERSE 3
Sumaaming awit at pagpupuri, Aming hinihingi'y Iyong kandili, Kami'y umaasa sa 'Yong pagkasi Bigyang kasiglaha't dingging parati.