Logo

Akong Namatay na Kasama Niya

VERSE 1

Akong namatay na kasama N'ya, Nabubuhay ngayon ang pag-asa; L'walhati ay hinihintay t'wina, Pagka't ako ay sumasa Kanya.

KORO

Sa t'wi-t'wina, ako'y iniibig, Sa t'wi-t'wina'y may buhay sa langit; Hintay si Jesus hanggang mamasid, Kalwalhatiang tinatangkilik.

VERSE 2

Sa bawa't hirap Siya'y kasama, Nakikiramay sa bawa't dusa, Sa bawa't lungkot kabahagi S'ya, Ng sa t'wi-t'wina'y sumasa Kanya.

VERSE 3

Walang damdamin, walang himutok, Walang pag-luhang di Niya sayod; Kung nasa panganib, kinukupkop, Ng sa t'wi-t'wina'y napapasakop.

VERSE 4

Bawa't kahinaan at damdamin, Bawa't sakit ay mapagagaling, Niyang sa t'wi-t'wina ay kapiling, Ng sa t'wi-t'wina ay mapagaling.