Logo

Kahit Saan Man Ako ay Sasama

VERSE 1

Kahit saanman ako ay sasama Kay Jesus at papatnugutan Niya; Saanma't kung hindi Siya kasama Ay walang ligaya kundi pangamba.

KORO

Saanman ay di ako nangangamba Kaylanman at si Jesus ang kasama!

VERSE 2

Saanma'y hindi ako nag-iisa Kung wala mang kaibigang kasama, Kahit saan ako akayin Niya Ay pupurihin Siyang walang hangga.

VERSE 3

Saanmang dako ako'y mahihimlay Kung dumating na ang kinagabihan, Anumang bayan ang aking kagisnan Ay aariin kong siyang tahanan.