Gaano Nga ang Katibayan Kaya?
Gaano nga ang katibayan kaya, Ng tumindig sa tibay ng salita? At ano pa ang kailangang kusa, Na kung may lubos nang pagtitiwala? Na kung may lubos nang pagtitiwala?
Si Jesus sa inyo ang kumukupkop, At huwag namang mangagdalang takot, Huwag mangasira ang inyong loob, Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos! Pagka't ang saklolo ninyo ay ang Diyos!
Sakaling kayo ay mangagdaraan, Malalim na tubig ang tatawiran, Hindi aabutin ng kabangisan, Pagka't Siya ang sumasa unahan. Pagka't Siya ang sumasa unahan.
Kung sa daraanay may mga pagsubok, Ang biyaya ko'y sapat na tutustos, Di ka matutupok ng mga Ningas, Nalilinang sa iyong kasakdalan.
Ang kaluluwang kay Kristo humihilig, Hindi babayaang siya'y magahis, Ng kaaway niya na sakdal bangis, Pagka't lagi siyang tinatangkilik. Pagka't lagi siyang tinatangkilik.