Logo

Ang Panginoon Ang Aking Ilaw

VERSE 1

Ang Panginoon ay aking ilaw, Pakikisama N'ya'y gabi't araw; Sa lungkot at sa sala S'ya'y kaligtasan; Ano nga ang aking katatakutan?

KORO

Ang Panginoon ay aking ilaw, Awit ko Siya at kagalakan; Ang Panginoon ay aking ilaw, T'wina ako'y pinapatnubayan.

VERSE 2

Ang Panginoon ay aking ilaw, Mga alapaap lumanbong man, Sa langit ako lagi nang tatanaw, Na do'n naghahari S'yang walang hanggan.

VERSE 3

Ang Panginoon lakas ko't ilaw, Sa Kanya ako'y magtatagumpay; Kahinaan ko'y Kanyang tinatakpan, At sa paglakad inaalalayan.

VERSE 4

Ang Panginoon ay aking ilaw, S'ya ang lahat-lahat sa 'king buhay, Sa Kanya ay wala ngang kadiliman; S'ya ang Manunubos ko't Haring tunay.