Logo

Ako'y Pinangungunahan

VERSE 1

Ako'y pinangungunahan, Ni Jesus ko sa daan; Wala akong alinlangan, Sa habag n'yat patnubay; Masarap ang kabuhayan, Nang sa Kanya'y manahan. Pagka't bawa't karanasa'y, Pawang ikatitibay. Pagka't bawa't karanasa'y, Pawang ikatitibay.

VERSE 2

Ako'y Kanyang inaakay, Inaaliw sa daan, Sa pagsubok binibigyan, Ng tinapay ng buhay. Na talagang kailangan, Nang h'wag akong magkulang; At tuwina'y makaasang, S'ya'y aking kagalakan. At tuwina'y maka-asang, S'ya'y aking kagalakan.

VERSE 3

Ako'y pinapatnubayan, Ng pag-ibig n'yang sakdal; Sadyang pinangangakuan, Sa langit ng tahanan; Pag ako ay nabihisan, Ng walang hanggang buhay; Aawiting walang hanggan, Si Jesus ang umakay. Aawiting walang hanggan, Si Jesus ang umakay.