Logo

Ang Pag-asa’y Ikaw

VERSE 1

Ang pag-asa'y Ikaw, O Korderong mahal Diyos na banal; Ang samo'y pakinggan, Ako ay punasan, Nang sa kabanalan Ay magtibay.

VERSE 2

Puso ko'y tibayan, Kalul'wa'y basbasan, Bigyang buhay; Ako'y h'wag bayaan, Sala ko'y hugasan, Nang maging lubusang Iyong tunay.

VERSE 3

Habang nabubuhay Ako sa kadimlan Ay akbayan; Hapis ko'y lunasan, Saka liwanagan At nang di maligaw sa 'Yong daan.