Kahanga-hangang Tagapagligtas
VERSE 1
Kahanga-hangang Tagapagligtas ko, Ang Panginoon kong Jesus; Ako'y ikinubli sa isang bato, Na doo'y ligtas na lubos.
KORO
Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko Sa bato ng aking buhay; Ako'y iningatan ng Kanyang kamay; Sa pag-ibig N'yang dalisay, Sa pag-ibig Niyang tunay.
VERSE 2
Kahanga-hangang Tagapagligtas ko, Ang Panginoon kong Jesus; Pinalakas, pinatibay N'ya ako, Hindi ako makikilos.
VERSE 3
Di mabilang na mga pagpapala Ang iginagawad t'wina, Kaya't inaawit ko sa aking tuwa, Pagl'walhati ko sa Kanya.
VERSE 4
Kapag naramtan ng Kaniyang ningning, Ako'y mapapasalangit. At Siya ay aking makakapiling, Pagliligtas N'ya ang awit.