Ang Pag-asa Ko ay Nakatatag
VERSE 1
Ang pag-asa ko'y natatag Sa kabanalan at hirap, Ng ngalang Jesus na tanyag Higit sa larawang lahat.
KORO
Si Cristo'y batong matibay Na aking kinasaligan Di gaya ng buhanginan!
VERSE 2
Maging alon mang masasal Ng bagyo'y di ma-ibub'wal Ang pag-asa sa biyayang Aking pinanghahawakan.
VERSE 3
Sa pangakong sinalita At sa dugong masagana Ni Cristo na mapagpala Lubos ang aking tiwala.
VERSE 4
Siya kung dito'y dumatal Ako'y bibihisang tunay Ng Kaniyang kabanala't Matitindig sa hukuman.