Anong Tamis ng Magtapat
VERSE 1
Anong tamis ng magtapat Kay Jesus hanggang wakas! Salita Niya ay sapat Sa iyo na magligtas!
KORO
Jesus! Jesus! Oh, kay sarap Ang sa Iyo'y magtapat! Di magsasawang maglagak Ng lihim ko ma't hayag!
VERSE 2
Oh! kay tamis ng magtapat Kay Jesus na nagligtas, Sa Kanyang dugong dumanak Sala ko ay nahugas!
VERSE 3
Kung magtapat ako't iwan Ang mga kasalanan, Kay Cristo'y tatanggap naman Ng t'wa't kapayapaan!
VERSE 4
Jesus, ako'y nagagalak Na sa Iyo'y magtapat, Sa lahat nawa ng oras Ikaw'y laging kaharap!