Logo

Si Jesus ang Bato Natin

VERSE 1

Si Jesus ang bato nating Sadyang kanlungan sa bagyo; Kahit ano'y dadaigin Sadyang kanlungan sa bagyo.

KORO

Lilim ka sa kainitan Ng nagla-lakbay na tao Muog kang napakatibay Sadyang kanlungan sa bagyo.

VERSE 2

Saklolo ko gabi't araw, Sadyang kanlungan sa bagyo; Walang takot sa anuman Sadyang kanlungan sa bagyo.

VERSE 3

Dagsaan man ng bagabag Sadyang kanlungan sa bagyo; Sa Diyos ako'y mapanatag Sadyang kanlungan sa bagyo.

VERSE 4

Banal na Batong taguan Sadyang kanlungan sa bagyo; Kami tuwina'y akbayan Sadyang kanlungan sa bagyo.