Sa Batong Buhay na si Jesus
VERSE 1
Sa Batong buhay na si Jesus, Ay magtatayo nga tayo; Kaya tayo ay mapanatag, Pag nagngalit ang bagyo.
KORO
Sa Batong buhay, Magtayo tayo; Sa Batong buhay, magtayo tayo; Sa Batong si Cristo.
VERSE 2
May nagtatayo sa buhanginan, Yaman ang s'yang tinitingnan; May nagtatayo sa kasalanan, Sa mundong kalayawan.
VERSE 3
Kayo'y magtayo sa Batong buhay, Saligang tunay, matibay; Pag-asa nito'y tumatagal, Pag-asang kaligtasan.