Logo
Hymn #370Guidance

Patnugot Ko ay si Jesus

VERSE 1

Patnugot ko ay si Jesus At kaaliwan ng loob, Sa anumang aking kilos Ako ay Kaniyang kupkop.

KORO

Patnugot Kita, Oh! Jesus Sa anumang aking kilos, Tapat akong taga-sunod Sa salita Mong ma-irog!

VERSE 2

Kahit sa masayang bayan, At sa kapighatian man, Sa dagat na kalawakan, Patnugot ko nga ay Ikaw.

VERSE 3

Jesus, kamay ko'y abutin H'wag Mo po akong hapisin Ang sa aki'y umaaliw Patnugot Kang Diyos na tambing.

VERSE 4

At sa aking kawakasan Biyaya Mo ay pakamtan, Oh! Jesus, sa pagka't Ikaw Ay patnugot ko saanman.