Logo
Hymn #376Guidance

Sa Dagat Na Malawak

VERSE 1

Sa dagat na malawak, Na aking nilalayag, Along nangamamalas, Ako ay hinahamak; Jesus na mapagliyag, Tulong Mo ay igawad.

VERSE 2

Hangin ay patigilin, Alon ay pahupain, Dagat ay payapain, Nang ako'y makarating, At sa Iyo'y mapiling, Jesus na maawain.

VERSE 3

Kung sa along mabangis, Ako ay makatawid, Sa pampang ay sumapit, Kamay Mong matangkilik, Sa akin ay ilawit, At sa langit ipanhik.