Logo
Hymn #378Guidance

O Diyos Ko Ako'y Akbayan

VERSE 1

O Diyos ko, ako'y akbayan, Gaya ni Enoc no'ng araw; Kamay kong mahina'y tabnan, At 'wag Mo pong pabayaan; Bagaman daa'y di tanaw, Umaasa sa tagumpay.

VERSE 2

Di ko kaya ang mag-isa, Sa mapanganib na sigwa, Mga patibong sa paa, Sa dadaana'y balana; Ang sa kaaway na pita, Ako sa Iyo'y makuha.

VERSE 3

Sa Iyo lang umaasa, Kung kasama ka'y ligtas na, Kaya't patuloy nag pita, Na sa Iyo'y makisama, Hanggang sa aking makita, Ang mukha ng Diyos na Ama.