Logo
Hymn #038Love of God

Tulad sa Ama Kung Tumingin

VERSE 1

Tulad sa ama kung tumingin Sa isang anak na nagtataksil Anumang sama, anumang itim Ang ating sala ay lilinisin.

VERSE 2

Tulad sa ama kung tumanggap Sa alibughang lumayong anak Ang dibdib niya'y palaging bukas Ang kanyang kamay ay nakaunat.

VERSE 3

Tulad sa ama kung dumamay Sa kanyang anak na minamahal Binabantayan kung naliligaw At inaakay sa wastong daan.

VERSE 4

Tulad sa ama kung mahabag Sa anak niyang napalilingap Puso'y malambot sa tumatawag Di nagmamaliw hanggang sa wakas.