Logo
Hymn #384Discipleship

Sa Paglapit ko Kay Jesus

VERSE 1

Sa paglapit ko kay Jesus, ay aking napakinggan Ang salita N'yang mairog, puspos ng pagmamahal; Sa tuwing ako'y dudulog, ay nabubulay-bulay Ang pag-ibig Niyang puspos na sa akin ay alay.

VERSE 2

Sa paglapit ko kay Jesus, akong inilalagak Ang kasalanan ko't lungkot, at pinapawing lahat; Sa mga yapak ni Jesus, tuwing ako'y tumawag Puso ko ay binubusog ng kaaliwa't galak.

VERSE 3

Pagpalain ako, Jesus, akong nananawagan, Ang mukha Mong maalindog sa akin ay itunghay; Sa ami'y ipagkaloob ang Iyong kabanalan. Mahayag nawa nang lubos na kasama ko Ikaw.