Kalooban Mo'y Siyang Sundin
VERSE 1
Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako ay putik, 'Yong hugisin, Sa kalooban Mo huwarin, Ako'y lubusan Mong sakupin.
VERSE 2
Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako'y subuki't siya satin! Hugasan ako't paputiin, Ngayon, O Jesus, ay tanggapin.
VERSE 3
Kalooban Mo'y siyang sundin! Ako'y tulungan, aking daing! Kapangyarihan Mo'y gamitin! Hipuin ako't pagalingin!
VERSE 4
Kalooban Mo'y siyang sundin! Katauhan ko'y 'Yong angkinin! Sa Espiritu Mo'y puspusin, Nang si Cristo'y makita sa 'kin!