Logo

Sa Puso ni Jesus

VERSE 1

Sa puso ni Jesus iniibig ka, Tapat na pag-ibig, di mag-iiba; Bakit malulungkot at magdurusa, Gayong puso Niya ang 'yong pag-asa?

VERSE 2

Sa isip ni Jesus alaala ka, Sintimyas ng hamog pagka-umaga; Bakit mangangamba't mababalisa, Yamang alaala ng isip Niya?

VERSE 3

Sa bukid ni Jesus mayro'ng gawain, Na ang mga anghel galak na tupdin; Bakit hangad mo pa'y ibang tungkulin, Gayong ang bukid N'ya'y handang anihin?

VERSE 4

Sa tahanan Niya mayro'n kang lugal; Maluwalhati at payapang tunay; Bakit nga gagalang may pagkapagal, Kung sa tahanan N'ya ikaw ay hintay?