Logo

Jesus, Ipagsama Mong Gumawa

VERSE 1

Jesus, ipagsama Mong gumawa Ang abang aliping nahahanda, Sa tulong ng Iyong saganang biyaya Tatalaga kami sa paggawa.

VERSE 2

Ang mga mahirap dadalawin At sila sa Iyo'y tatawagin; Ang sa kasalanan ay naaalipin Samahan Mo kami't sasagipin.

VERSE 3

Jesus, wala kaming pagkapagal Pagka't kasama Ka buong araw; Ang aming pag-asa'y magiging magaan Kung ang biyaya Mo'y aalalay.

VERSE 4

Kaya't tayo'y tulong sa paggawa Nang lupa'y luminis sa masama; At kung magkagayon ang tao'y malayang Sumama sa Atin na gumawa.